Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kuwait allergic sa `Pinas

0 617

Nagpalabas ng travel ban ang pamahalaang-Kuwait sa 31 bansa, kabilang na ang Pilipinas dahil sa pagiging “high risk” o mapanganib sa pagkalat ng COVID-19 sa kanilang lupain.

Sa isang pahayag, sinabi ng Directorate General of Civil Aviation na pansamantalang suspendido ang biyahe ng 31 bansa sa Kuwait batay na rin sa payo ng kanilang mga health officials bilang pag-iingat laban sa nasabing virus.

SM food to go Banner Ad

Kabilang sa mga bansang hindi papayagang makabiyahe sa Kuwait ay ang India, Pakistan, Egypt, Philippines, Lebanon at Sri Lanka na pawang may malaking bilang ng kanilang mga expatriate sa Kuwait.

Nangunguna rin sa listahan ng may travel ban sa Kuwait ang China, Iran, Brazil, Mexico, Italy at Iraq.

Inihayag ng Kuwait ang travel ban sa nasabing mga bansa sa pagbubukas ng partial operation ng kanilang mga commercial flight noong Sabado. (Mia B. Billones/Mina Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.