Abante Tonite Interactive

Kuwaiti gov’t panagutin sa pagkamatay ni Villavende — Win

0 167

“It’s an insult to our government, an insult to our country and, insult to Filipino people especially to the OFWs who’ve been toiling almost blood, sweat and, tears in the Middle East.”

Ito ang paglalarawan ni Senador Win Gatchalian sa pagtrato ng gobyerno ng Kuwait sa pagkamatay ng overseas Filipino worker na si Jeanelyn Villavende.

Kinastigo ng senador ang Kuwaiti government dahil sa pagkabigo nitong tuparin ang kanilang pangakong magbigay ng maayos na labor condition at tiyakin ang proteksiyon sa ating mga kababayang nagtatrabaho doon.

“Kinukuha ang kanilang passport. They are scattered all over the place. They are not protected by employers or corporations, underpaid and, they complain of delayed salaries,” sabi ni Gatchalian.

“I think the fact will state that there was bad faith. We demand the truth and this is not how countries and friends treat each other by giving fake reports,” diin ni Gatchalian kung saan sinabi nitong basura ang Kuwait report kaugnay sa pagkamatay ni Villavende.

Batay sa autopsy report ng National Bureau of Investigation, lumabas na dumanas ng sexual abuse at minaltrao ng pisikal si Villavende taliwas sa findings ng forensic doctor ng Kuwait na nagsabing namatay ang Pinay sa physical injuries.

Noong Mayo 2018, lumagda ang Pilipinas at Kuwait ng kasunduan hinggil sa labor reform para sa mga skilled Filipino at mga household service worker. (Dindo Matining)