Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kuwaresma: Pagdidili-dili Para Sa Panibagong Simula!

0 67

Paanyaya sa pagbubulay-bulay ang Kuwaresma. Nito lamang nakaraang Miyerkules ng Abo, matapos ipahayag ang ating pagiging makasalan, nagpasya tayong putulin ang hindi nararapat at magpunyagi sa kabanalan sa pamamagitan ng panalangin, pag-aayuno at paglilimos. Maaring ngayon pa lamang nasira na natin ang ating pangako sa Diyos; kaya’t muli tayong dinadala ng Simbahan sa disyerto upang magdili-dili. (Cfr. Mk 1:12-15)

Sa Unang Linggo ng Kuwaresma ipinapaalala sa atin na ang Kuwarema ay panibagong simula natin sa Diyos, nang may lubos na pananalig sa Kanyang kapangyarihan. Kamakalawa, natunghayan natin kung paano dumaan at napagwagian ni Hesus ang tukso- paalala sa atin na kahit ngayong panahon, “evil is at work in our existence and around us” ani Pope Francis. Kaya’t malahaga aniya ang taos pusong pananalig sa habag ng Diyos.

Saad ng Simbahan, “we begin our whole journey of Lent full of hope for the glorious outcome of our difficult desert-journey’ lalo na ngayong walang katiyakang panahon ng pandemya na nagtutulak sa atin sa pagbabalik-loob. Giit ng Papa, “On this First Sunday of Lent, we are invited to listen carefully and to hear Jesus’ appeal to convert, and to believe in the Gospel. We must entrust ourselves to the Lord, to his goodness and love.”

Ipinagkakaloob sa atin ng Diyos ang Kuwaresma bilang panahon ng pagsisisi at pagtalikod sa kasalanan. Ang pinagpalang apatnapung araw na ito ay panawagan sa tanan upang mas palalimin ang kaugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng pagkakaroon ng lubos na pananalig at pagtitiwala sa Kanya. Layunin ng Kuwaresma na tayo ay ihanda sa Muling Pagkabuhay upang tayo ay manatiling matatag, tapat at banal bilang mga tagasunod ni Kristo.

Ang Unang Linggo ng Kuwaresma ay tuwirang panawagan sa matapang na pagtalikod sa kasalanan, sapagkat malapit na ang paghahari ng Diyos! Ito ang angkop na panahon upang sariwain ang ating katayuan sa harap ng Panginoon. Inihahanda natin ang ating sarili at pinalalakas natin ang ating buhay-espiritwal upang maharap natin nang may paninindigan at pananagutan ang ating kauganayan sa Diyos.

Ngayon ang tamang panahon upang hilingin sa Diyos na tayo’y linisin sa kasalanan at pangindapatin. Sa gitna ng ating pagiging mahina at marupok, alam natin na sa tulong ng Pangioon, tayo ay maaaring lumakas at maging matatag. Ani Fr. Jerry Orbos, SVD “How assuring it is to know that God will not leave us unaided as we journey through the deserts of life. May we never refuse his help and guidance especially now that we need him most!”

Nawa samantalahin natin ang panahong ito ng grasya na laan ng Kuwaresma. Ito ay ipanagkakaloob sa atin bilang ‘handog’ dahil sa dakilang pag-ibig ng Diyos sa tanan. Nawa bukas-loob at bukas-palad nating gunitain ang panahong ito ng pagdidili-dili para sa panibagong simula natin sa Diyos o sa buhay-pananampalataya, nang masuklian natin ang Kanyang pagmamahal sa atin.

Leave A Reply

Your email address will not be published.