Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kuwarto ni Rondo cheap

0 230

SA social media nagreklamo si Rajon Rondo tungkol sa kuwarto niya sa Orlando sa restart ng NBA season.

Sa Gran Destino hotel sa Disney World tutuloy ang Lakers at Clippers.

Pinost ni Rondo sa Instagram ang larawang kuha niya sa kuwarto. Hindi kalakihan na pang-five-star hotel, naliitan yata siya sa tutulugan.

“Motel 6 hun,” caption ng Lakers guard sa larawan.

Motel 6, pipitsugin o low-cost rate hotels.

Hindi siguro siya sanay.

May mga nambaterya sa kanya sa Twitter nang i-post ang kanyang kuha.

“Millionaires crying like babies over a perfectly fine hotel room,” komento ng isa.

“Yo @RajonRondo this room is nicer than your jumpshot. What are you complaining about,” sundot ng isa pa.

“We’ll always leave the light on for him,” sagot ng Motel 6. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.