Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kuwento ng pang-aabuso

0 91

Naging libangan ko na tuwing weekend ang manood ng Netflix. Usually, mga action films ang aking pinipili kahit napanood ko na ito sa sinehan bago magkaroon ng pandemya. Kalaunan ay naghanap ako ng documentary hanggang sa mapansin ko ang “Jerry Epstein: Filthy Rich.”

Naengganyo akong panoorin ito upang alamin kung ano pa ang hindi ko nalalaman tungkol kay Epstein bukod sa nababasa ko lang nung panahong naaresto sa New Jersey dahil sa sex trafficking, nakulong sa Metropolitan Correctional Center sa New York hanggang sa umano’y magpatiwakal sa selda noong Agosto 2019.

Sa nasabing dokumentaryo, mahilig palang magpatawag ng mga menor de edad si Epstein at pinapapunta sa kanyang mansion sa Florida. Ang modus niya, magpapamasahe lang daw siya sa bata pero pagdating sa kuwarto pinaghuhubad niya ito habang nagmamasahe, habang siya ay nagsasarili naman. In short, spa**l pala ang nagpapaligaya sa kanya.

Bawat masahista, binabayaran niya ng $300 at sinasabihan kung may kaibigan o kaklase na gustong magkapera sa pagmamasahe. Doon dumami ang mga nabiktima ni Epstein.

Naikuwento ko ito dahil parang nangyayari rin ito sa Pilipinas.

Kamakailan lamang, dumulog sa Women and Children Protection Section ng Regional Investigation and Detective Management Division ng Police Regional Office sa Calamba City, Laguna ang babaeng nagpakilalang si Agnes Chua, 33-anyos, dalaga at massage therapist, nakatira sa Barangay 4, Mataasnakahoy, Batangas upang ireklamo ang vice mayor ng munisipalidad na si Jay Manalo Ilagan.

Sa kusang loob na salaysay ng biktima, pinapunta raw siya sa farm ng vice mayor sa Santol, Mataasnakahoy noong Hunyo 2021 dakong alas-7 ng gabi para sa home service. Pero pagpasok ng kuwarto, nagulat ang dalaga dahil naghubad ang vice mayor at sapilitang inihiga siya sa kama habang tinatanggalan ng saplot.

Kuwento ng biktima, halos isang oras nagpasasa sa kanyang dibdib ang bise alkalde bago nakaraos sa pagma-masturbate. Binayaran naman si Chua pero binalaan na huwag magsusumbong kanino man. Sa una ay binalutan siya ng takot, pero makalipas ang halos sampung buwan ay nagkaroon na ito ng lakas ng loob na magsuplong sa pulisya.

Nahaharap ngayon sa reklamong acts of lasciviousness at grave threat ang bise alkalde. Natanggap na ng Office of the Provincial Prosecutor ng Batangas ang reklamo noong Abril 26, 2022.

Sa bawat reklamo, obligado ang paghahain ng depensa ng nirereklamo. Maghihintay ang pitak na ito sa kasagutan ng bise alkalde alang-alang sa patas na pamamahayag.

Leave A Reply

Your email address will not be published.