Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kuwento nina Beauty at Beagle

0 59

Hello FURRever FURRiends!

May heart-warming story ako tungkol sa isang fashion model na tumulong sa isang binugbog na aso. Ito ang kwento ni Kayesha Chua at ni Beagle:

Q. Paano mo nakilala sa Beagle?

Kayesha: “May lumapit sa akin, Abigail Sabete ang pangalan niya, humihingi ng tulong para sa isang aso na na-dislocate ang panga. Pinupupok kasi daw ito ng bato ng dating amo at binibitay paulit-ulit. Sinaklolo ito ni Abigail, pero dahil nawalan siya ng trabaho dala ng Pandemya, napilitan siyang humingi ng tulong sa akin.

“Nung makita ko ang litrato ni Beagle na may dislocated jaw, bigla akong umiyak. Tinignan ko agad si Klay, ang aking alagang beagle, at inisip ko – Paano kung sa kanya nangyari yun? Hindi pwede na wala akong gagawin kasi kaya ko namang tumulong.”

Q: Ni hindi mo kilala si Abby at si Beagle. Bakit ka tumulong?

Kayesha: “Para sakin, hindi kailangan ilimita ang iyong tinutulungan sa mga kakilala lamang. Hindi ba’t mas masarap sa pakiramdam na marunong kang tumulong sa iba kahit di mo kilala? Kaya kapag may humihingi ng tulong mapa-tao man o hayop, binibigay ko sa abot ng aking makakaya.”

Q: Anong tulong ang ginawa mo?

Kayesha: “Nag-umpisa ako ng donation drive para kay Beagle sa aking social media. Humingi rin ako ng tulong kay Dr. Mace ng Mandaluyong Animal Care Hospital. Sumama din ako sa mga checkups, as much as possible.”

Q. Ano ang naging rekomendasyon ng Vet?

SM food to go Banner Ad

Kayesha: “Lagyan daw ng plates ang bibig ni Beagle. Ang opersyon nga lang ay may halagang P20K! Wala pa rito ang mga tests na kinailangang gawin kay Beagle.”

Q. Nalikom mo ba ang 20K?

Kayesha: “Opo! Sa loob ng 3 weeks, nabuo ang funds. Naging supportive ang mga kaibigan ko dahil alam nila na lagi kong ginagawa ito para sa mga nangangailangang mga aso’t pusa.”

Q. Ano ang naging resulta ng operasyon?

Kayesha: “Sa awa ng Diyos, naging successful ito at mabilis ang recovery ni Beagle! Nakauwi na siya, kasama ni Abby. Nakakakain na siya ng maayos at ang pinaka-importante ay wala na syang nararamdamang sakit!”

Q: Ano ang mensahe mo sa mga readers ng Petmalu?

Kayesha: “Maraming nangangailangan ng tulong, yan ang realidad. Hindi rin lahat kaya nating tulungan. Pero wag natin ito gawing dahilan na manuod na lamang at walang gawin. Kahit sa maliit na paraan, makakatulong pa rin tayo.”

Ayan po, sana ma-inspire tayong lahat sa tunay na diwa ng Bayanihan na nananalaytay kay Kayesha!

Nagmamahal,

Joyce

Leave A Reply

Your email address will not be published.