WebClick Tracer

VISMIN

Kuya chinop-chop sinksik sa maleta, ice box ni bunso

Pinagputol-putol ang katawan ng 27-anyos na lalaki ng kaniyang nakababatang kapatid saka isiniksik ang mga bahagi ng katawan sa loob ng isang maleta at ice box sa Zamboanga City, umaga ng Sabado, Setyembre 12.

Kinilala ang biktima na si Raffy Alam, 27, habang ang suspek naman ay ang kanyang nakababatang kapatid na si Rashdy Alam, 18, kapwa residente ng Barangay Sinunuc sa nasabing siyudad.

Batay sa imbestigasyon, alas-9: 45 ng umaga, iniwan umano ang maleta at icebox sa tindahan ng isang alyas “Nursida” na nakatuklas sa mga bahagi ng katawan ng tao.

Dahil dito, rumesponde ang mga awtoridad sa lugar upang suriin ang laman nito at doon ay natagpuan umano sa loob ng isang ice box ang ulo, mga braso, at mga binti ng biktima, habang ang iba pang bahagi ng katawan ay inilagay umano sa loob ng isang maleta.

Agad namang inaresto si Rashdy matapos ituro ng isang saki bilang suspek sa brutal na pagpatay sa kaniyang kuya.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo nang nangyaring malagim na krimen. (Dolly Cabreza)