Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kuya Kim ‘di totoong binaril

0 485

NI: VINIA VIVAR

Finally ay nilinaw na rin ni Kim Atienza ang kumalat na balita few days ago na binaril siya at kritikal ang kondisyon. Sa kanyang latest Instagram post, aniya ay kailangan niyang i-address ang fake news na ito dahil napakaraming tumatawag sa kanya at nag-aalala.

Nilinaw rin ni Kuya Kim na buhay na buhay siya at nagtatrabaho kahit walang franchise.

“Thank you for all who called to check on me. I tried to pass this off and be quiet but my friends and family are worried. I have to address this fake news item now. I am very much alive and still working. kahit walang franchise, @tvpatrolabscbn2 is still on air,” ang paglilinaw ni Kuya Kim.

Sa comments section ay sumagot si Sharon Cuneta at aniya, wala raw talagang katapusan ang kalupitan ng tao ngayon at nag-alay ng dasal para kay Kuya Kim.

“My gosh Kuya Kim, there seems to be no end to how cruel people can be now. I pray for you and your family. May you all be covered in the blood of Jesus and enveloped in the embrace of God’s mighty angels. God bless you and keep you safe always. Lots of love from me and my family,” komento ni Shawie.

Komento naman ng isang netizen, ibig sabihin daw nito ay mabubuhay pa nang matagal si Kuya Kim dahil kasabihan nga na pag nabalitang namatay ang isang taong buhay na buhay ay mas lalong magtatagal ang buhay nito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.