Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kuya Kim, RR, Giselle sumawsaw kina Paolo, LJ

0 49

NI: VINIA VIVAR

Nagbigay ng kani-kanilang payo sina Giselle Sanchez at Kuya Kim Atienza kay Paolo Contis hinggil sa controversial break-up ng aktor kay LJ Reyes.

Sa Instagram post ni Paolo last Wednesday explaining his side of the story, makikita ang mga comments nina Kuya Kim and Giselle.

“Lahat nagkakamali Pao. We just have to make up for our mistakes. May panahon pa. The kids are young,” komento ni Kuya Kim.

Komento naman ni Giselle, ipagdarasal daw niya ang katahimikan for Paolo and LJ.

“I will pray for peace that surpasses all understanding for you @paolo_contis and for @lj_reyes and your kids,” saad ni Giselle.

Bukod kina Kuya Kim at Giselle, nakisawsaw na rin ang dating sexy comedienne na si RR Enriquez. Sa kanyang mahabang post sa Instagram, sinagot niya ang paliwanag ni Paolo hinggil sa Baguio incident kung saan nga ay inimbita ng aktor si Yen Santos.

“Ayaw ko talaga makisawsaw pero dahil sawsawera na yata talaga literal ang pagkatao ko simula nag pandemya, gusto ko na ituloy tuloy ito! Yung makisawsaw sa mga “Kasawsawerang Kapalakaan”

“Napahanga ako ni Paolo nung inako nya yung mga mali nya!!! Hindi lahat ng lalaki umaamin ng mali lalo in public ha…” ang bungad ni RR sa kanyang post.

Tulad ng ibang netizens, hindi rin siya pabor sa explanation ni Paolo tungkol sa Baguio escapade with Yen.

“Kaso sumablay lang sa #4 bigla tuloy ako napaisip if sincere ang pag ako nya.. Kasi hindi pa tinodo😫😫😂,” ani RR.
“Ang masasabi ko lang sa #4 dont us!!

“Kaming mga babae hindi sumasama sa lalaki mag isa “as a friend” lalo ang layo ng bibiyahihin namin!

“Hello 5hrs para lang mag bigay ng advice or magpalamig at the same time magpa init este magpalamig kasi ang init sa manila?😂😂

“At hindi din kami basta basta umaangkla sa lalaking kasama namin if hindi namin gusto or karelasyon ha😂
“Ako lang yan ha. Ewan ko sa ibang girls.. Basta kapag sumama ako ibig sabihin parang alak lang yan. Kapag may alak may balak😜😜 CHAR lang!!!! Pasok bashers,” ang pahayag pa ni RR.

Pero kahit paano naman ay ipinagtanggol niya si Paolo sa mga bashers na nagmamalinis dahil aniya, lahat naman daw ng tao ay nagkakamali.

“On a serious note lahat tayo nagkakamali. Nananabang sa partner natin na akala natin nung una sila na talaga ang the one para sa atin.

“Kapag niloko or iniwan ka ng jowa mo palagi mo tatandaan na sinisave ka lang ni God sa mga pwede pang worst na gawin ng partner mo.

“Huwag din tayo magmalinis na akala natin si Paolo na yung pinakababaerong lalaki sa balat ng lupa.

“Tingin din tayo sa salamin coz sure ako may kasalanan ka din nagawa sa buhay mo. Hindi man pambababae or panglalalaki pero sure ako meron.

“At naniniwala ako na lahat ng kasalanan pantay pantay yan sa mata ng Diyos!!! So ayun lang,” ani RR.
Sa huli ay nag-joke pa siya ng “ang pakikisawsaw ko ay hango sa tunay na storya! Patnubay ng magulang ang kailangan!”

Leave A Reply

Your email address will not be published.