Abante Tonite Interactive

Kuya na bully todas kay bunso

368

Pagkaubos ng dugo ang ikinamatay ng isang 38-anyos na construction worker nang saksakin sa dibdib ng kanyang half-brother na gumanti lamang umano sa kanyang ginawang pag-bully, sa loob ng kanilang tahanan, sa Leveriza, Malate, Maynila.

Hindi na naisalba pa ng mga doktor sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Noel Tawasil, ng Daganan St., Leveriza, Malate.

Habang nadakip naman ang suspek na si Andy Arcega Tawasil, 33, sidecar boy at nakatira sa ika-2 palapag ng nasabing bahay at nakatakdang sampahan ng reklamong homicide sa Manila Prosecutor’s Office.

Naganap ang insidente alas-4:30 Sabado ng hapon, nanonood ng telebisyon sa kanilang kuwarto ang suspek at maybahay na si Czarina, 23, service crew, nang marinig nila ang pambabato ng mga bote ng alak sa kanilang pintuan ng nagwawalang lasing na biktima.

Pinagsabihan ni Czarina­ ang live-in partner ng biktima­ na si Cheryl Alit, 36, manikurista, na pagbawalan ang biktima at iakyat na sa kanilang kuwarto.

Gayunman, hindi nagpasa­way ang biktima at sa halip ay humawak ito ng basag na bote ng beer at kinalampag ng ilang ulit ang pintuan ng silid ng suspek at nang mabuksan ay inatake ang suspek na nauwi sa pagbubuno.

Sa kalasingan, natalo ng suspek ang biktima at sa pagkakataong iyon ay siya naman ang humawak ng matalas na basag na bote ng beer at itinarak sa dibdib ng biktima.

Tumulong pa ang suspek na madala ang kapatid sa ospital kung saan ito inaresto ng pulis­ya. (Juliet de Loza-Cudia)

Tonite – Wendys Inhouse Ad