Abante Tonite Interactive

Kuya ni Giannis kinuha ng Bucks

0 336

‘Di nagkasya sa isang Antetoko-unmpo ang Milwaukee Bucks, kumuha pa ng isa.

Muling dumayo ng Greece ang Bucks para maghanap ng NBA ta-lent, at nabingwit si Thanasis Antetokounmpo.

Tama, kapatid siya ni Milwaukee star at league MVP Giannis Antetokounmpo. Mas matanda si Thanasis, 26, ng dalawang taon.

“The Milwaukee Bucks and Thanasis Antetokounmpo – the older brother of the NBA MVP, Giannis – have agreed to a two-year contract,” tweet ni Shams Charania ng The Athletics.

‘Di na bago si Thanasis sa NBA.

Naunang pumasok sa liga si Giannis – 15th pick ng Bucks noong 2013. Sa sumunod na taon, 51st overall ng New York si Thanasis pero nakadalawang laro lang sa Knicks. Naging miyembro siya ng NBA D-League All-Defensive Second Team noong 2015.

Sa nakalipas na dalawang taon, naglaro ang 6-foot-7 forward na si Thanasis sa Panathinaikos BC sa Euroleague at nag-average ng 3.9 points, 2 rebounds sa 62 games. (VE)