Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kuya ni-rape sariling kapatid

0 146

Dinakip ang isang lalaki sa Nueva Vizcaya kamakalawa matapos umano’y gahasain paulit-ulit ang kanyang menor-de-edad na kapatid at tinatakot pang papatayin.

Ayon sa Nueva Vizcaya Police Provincial Office sa kanilang ginawang follow-up investigation, ang suspek ay tinago sa pangalang Mike, 26-anyos, ng nasabing bayan.

Base sa report, naaresto ang suspek sa kanyang bahay sa bisa ng arrest warrant na ibinaba ni Judge Cicero Jandoc ng RTC Branch 29 sa Bayombong, Nueva Vizcaya.

Sinabi ng pulisya, nag-umpisa ang panggagahasa ng suspek sa kanyang nakababatang kapatid mula pa noong 2019 nang pasukin niya ang kuwarto ng biktima at tutukan ng patalim.

Sa salaysay ng biktima na itinago sa pangalang Alyssa, naulit nang ilang beses ang rape — kapag umuuwi nang lasing ang kanyang kuya.

Nagbanta pa umano si Mike na papatayin si Alyssa kaya hindi agad na nakapagsumbong ang babae, saad ng pulisya.

Dinala ang suspek sa pulisya at sasampahan ng kasong rape. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.