Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kuya niratrat sa harap ng kapatid

0 78

Patay ang 31-anyos na lalaki nang pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek sa harap mismo ng kanyang kapatid sa Malabon City.

SM food to go Banner Ad

Nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ang biktimang si Jerico Camino, quality controller at residente ng Brgy. NBBS, Navotas City. Naganap ang pamamaril alas-8:13 Lunes ng gabi habang magde-deliver sana ang biktima kasama ang kanyang kapatid ng Gummy product sa Maya-Maya St. corner Pampano St. nang sumulpot mula sa likod ang mga suspek saka pinagbabaril sa iba’t-ibang parte ng katawan ang biktima.

Iniimbestigahan pa ang motibo sa pamamaslang. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.