Abante Tonite Interactive

Kuya sinaksak sa selos

346

Agaw-buhay ang isang karpintero matapos saksakin ng naka­babatang kapatid dahil sa matinding selos kamaka­lawa sa Malabon City.

Nakaratay ngayon sa Tondo Medical Center si Andie Lacson, 38-an­yos, ng Brgy. San Agustin dahil sa tinamong dalawang saksak sa kili-kili.

Mabilis namang nakatakas ang suspek na si Rafael Lacson alyas ‘Junior’, 32, tricycle driver.

Abante Hiring – IT dep

Sa imbestigasyon nina PSMS Joselito Bagting at PSSg Mardelio Osting, alas-5:20 nang hapon nang maganap ang insidente sa bahay ng pamilya-Lacson.

Napag-alamang la­sing ang suspek nang dumating sa bahay at pagkakita sa kanyang ka­patid ay walang sabi-sabing sinaksak sa kilikili saka mabilis na tumakas.

Ayon kay Andie, naghihinala sa kanya ang kanyang kapatid na may relasyon sila ng live-in partner nito. (Orlan Linde)