Abante Tonite Interactive

Kuya Steph, nilamon si Seth

439

Inari ni Stephen Curry ang unang matchup nila ng nakababatang kapatid na si Seth sa opener ng NBA Western Conference finals Martes ng gabi sa Oakland.

Namiyesta sa siyam na 3-pointers si Steph tungo sa 36 points para giyahan ang Golden State sa 116-94 panalo.

Si Seth, nagkasya lang sa 3 points sa Portland.

Abante Hiring – IT dep

Pinantayan ni Steph ang postseason career-high niya sa 3s made, ginawa sa Game 1 din ng NBA Finals kontra Cleveland noong isang taon. Maaga siyang nag-init, kumpara sa Game 6 clincher sa Houston nang ilista ang lahat ng 33 points niya sa second half.

Sa pagitan ng warmup shots, tumi-ngin si Seth sa kabilang dulo ng court habang nagwa-warmup din ang kuya Steph niya.

“That was wild,” bulalas ni Stephen sa locker room, bago nagbiro, “Only me and Seth are going to score, the whole series.”

Bago ang laro, nagplano ang mga magulang nilang sina Sonya at Dell Curry na mag-toss coin para desisyunan kung sino ang magsusuot ng gear ng bawat isang anak.

Pero mas maganda ang naisip na solusyon ng mag-asawa.

Suot ni Dell ang No. 30 ni Steph sa harap, sa likod ang No. 31 ni Seth. Si Sonya ay numero ni Seth sa harap, kay Stephen sa likod.

Unang magkapatid ang Currys na nagharap sa conference final. Sa first round ng 2017 playoffs, nagtapat din sina Marc Gasol ng Memphis Grizzlies at Pau Gasol ng San Antonio Spurs. (VE)