Abante Tonite Interactive

Kuzma-Bogdanovic trade pabor sa Purp en Gold!

580

Nang mag-rebuild ang Los Angeles Lakers, ligwak ang mga young star nila.

Nitong nakaraang season bago mag-National Basketball Association All Star, nasa trading block na ang mga youngster ng Lakers para kay New Orleans Pelicans star Anthony Davis.

Natuloy nga ito bago magsimula ang 74th NBA 2019-2020 season, ligwak sina Brandon Ingram at Lonzo Ball kapalit ni Davis.

Ang youngster na naiwan ay si Kyle Kuzma.

At ngayon nga’y nasa trading block na ito lalo pa’t papalapit na ang deadline na bago mag-NBA All-Star 2020.

Isa nga sa gusto kong matuloy na kapalit ni Kuzma ay si Sacramento Kings sharpshooter Bogdan Bogdanovic.

Ngunit para sa Kings, hindi lang si Kuzma ang gusto nilang kapalit.
Bakit dapat ituloy ng Lakers ang trade na ito?
Una, mas fit si Bogdanovic kay Kuzma.

Puwedeng mag-center position si Davis, pero mas nananatili sa 4 position.

Kaya nasa small forward si LeBron James, na kaposisyon ni Kuzma.

Isa pa, mas shooter si Bogdanovic. Mayroon itong 38.3% sa three-point area, habang si Kuzma ay may 34.6%.

Kilala si LeBron at mas fit sa kanyang laro ang may mga sharpshooter na kampi gaya nina Ray Allen at Kyle Korver.

Kung tutuusin, lugi pa ang Kings sa deal na ito kaya humihingi pa sila ng kasama ni Kuzma.

Pabor akong matuloy ang trade ng Siberian national at ni Kuzma, Lakers galaw-galaw!
***
Kung may reaksiyon o gusto po kayong itanong, mag-email lamang sa alecpaolo2016@gmail.com. Patuloy niyo rin pong suportahan ang online show ng Abante, ang Sportalakan, tuwing Martes ng alas-sais nang gabi sa Abante News Online. Maraming salamat po!