Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kuzma, Lakers nilunod Wolves

0 244

Hindi naging sagabal ang pagliban ni All-Star big man Anthony Davis (bruised calf) para sa reigning champions Los Angeles Lakers kontra Minnesota Timberwolves na sinubsob nila sa 75th National Basketball Association (NBA) 2020-21 regular season game nitong Lunes (Manila time).

Pinangunahan ni forward Kyle Kuzma, bumomba agad ng tatlong sunod na three-pointer sa opening half, ang panig ng Lakers sa pagtambak sa Wolves, 127-91, sa Staples Center sa LA, California.

“It’s not really about scoring,” litanya ni Kuzma na may 20 points at tig-three rebounds at assists. “I just try to impact the game and take shots when I have them, and that’s made me a better player. I just try to seize the moment.”

Bumakas din sa umangat sa 3-1 win-loss record na Lakers sina superstar LeBron James na nagtala ng 18 markers, nine rebounds at five assist habang may 13 pts., 8 feeds at 7 boards si center Marc Gasol. May tig-12 puntos sina Talen Horton-Tucker at at Montrezl Harrel, at naka-11 si Dennis Schroder.

Namuno sa Minnesota na bumagsak sa 2-2 ang 15 pts. ni Anthony Edwards. May 11 si Naz Reid at 10 si Jake Layman. ‘Di sumalang si Karl Anthony-Towns (dislocated left wrist). (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.