Abante Tonite Interactive

Kuzma pinasiklaban si Hudgens

767

Ibang klaseng Lakers ang nagpakita sa New York nitong Miyerkoles, lahat halos ng tapikin ni coach Frank Vogel ay nag-deliver.

Sa una ay mukhang dinaga pa si Kyle Kuzma sa harap ni actress Vanessa Hudgens na nanood sa Madison Square Garden, 0 of 3 sa field at 0 for 2 mula 3-point land ang Los Angeles forward sa 13 minutes sa first half.

Bisperas ng laro ng Lakers kontra Knicks, naispatan na nag-dinner sina Kuzma at Hudgens kaya nag-one-plus-one agad ang mga miron – may something-something bang namumuo?

Candle-lit ang table ng dalawa sa Brooklyn eatery Lilia, may wine sa harap.

Lalo lang napaypayan nang manood ang actress sa MSG.

Kalaunan, nakapagpasiklab din si Kuzma ng 10 points, 7 rebounds at 2 blocks para tulungan ang Los Angeles sa 100-92 win laban sa Knicks.

Nanguna ang 28 points, 5 rebounds at 5 assists ni Anthony Davis sa Los Angeles, nagdagdag si LeBron James ng 21 points, 6 rebounds at 5 assists. (Vladi Eduarte)