Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kwalipikasyon sa eleksyon nilatag ng Philippine Patriotic Movement

0 60

Naglatag na ng mga kwalipikasyon ang isang multi sectoral group para sa mga nagnanais kumandidato sa darating na halalan sa Mayo ng susunod na taon.

Binubuo ng grupong FPJPM, FEJODAP, Peoples Movement Against Poverty, National Labor Union, Philippine Organization of Free Labor Union, inisa-isa ng Philippine Patriotic Movement ang problemang kakaharapin ng susunod na Pangulo, vice president, senador at Party List Representatives.

Ayon kay Mr. Butch Cadsawan, lead Convenor ng PPM, dapat umanong may malinaw na plataporma ang mga nagnanais maging lider sa malaking suliranin ng bansa.

Kabilang na umano dito ang pagtugon sa problema sa COVID, bagsak na ekonomiya, malaking bilang ng mga walang trabaho, mataas na halaga ng bilihin, pagtugon sa maayos na kalusugan, problema sa West Philippine Sea at maraming iba pa.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Magsasagawa umano ng consultation ang Philippine Patriotic Movement sa iba’t ibang lugar sa bansa upang kunin ang pulso ng bayan kung sino sa mga kakandidato ang dapat nilang suportahan.

Maglulunsad sila ng survey sa phrecovery.com.ph para malaman sa mamamayan ang napupusuan nilang kandidato na nais mamuno sa bansa na may mahusay na plataporma para sa kapakanan ng mamamayan.

Nilinaw naman ni Cynthia Villarin ng PMAP, wala pa silang ineendorso sa kasalukuyan subalit posible nila itong gawin sakaling makita na nila ang hinahanap na kwalipikadong kandidato.

Leave A Reply

Your email address will not be published.