Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kwon Eun Bin buryong sa pagsosolo

0 36

Ang disbanded girl group na IZ*ONE na may 12 members ay nagsisimula na sa kani-kanilang career ngayon.

Si Kwon Eun Bin ang kauna-unahang nagkaroon ng kanyang solo debut. Naging matagumpay ang released ng kanyang solo mini-album na “Open” with a title track of “Door.”

At dahil nga siya ang unang nakapag-solo debut sa kanilang lahat, aminado itong ibang-iba pa rin noong nagpo-promote sila bilang isang group.

Ayon kay Eun Bin, “It was always fun and enjoyable when working with the members, so it’s boring working alone. It was really nice eating with the members together, so it feels boring and empty to be alone.”

Sa interview ng Xsportsnews kay Eun Bin, napag-usapan din ang pagtatrabaho niya noon ng dalawang taon sa isang bakery para may pambayad siya sa tuition fee. Ito’y nang mag-aral siya sa isang arts high school kahit against ang parents niya. Pero kung may choice raw siya ngayon, mas gugustuhin na lang niyang magtrabaho sa isang bingsu store para mas malamig.

At kung pamimiliin naman daw siya between variety show and drama, mas pipiliin daw niya ang variety. Katwiran niya, “Honestly, variety shows are hard, and acting is also hard. I’m not very confident in acting. When I exchange lines with someone, I get nervous, so a lot of my emotions disappear. That’s why I think acting is a bit difficult.”

Sa mga girl groups naman ngayon, ang Dreamcatchers ang pinili ni Eun Bin na gusto niyang maka-close pa. Sey niya, “We’ve gotten really close. We happen to share the same salon. That’s why we greet each other every morning. I greeted them today before coming here. Dreamcatcher also gives me bread at the salon, and they’re so nice.”

Pretty, talented si Eun Bin kaya ‘di malayong ang solo debut niya ang simula pa lang ng pagsikat niya sa Korean entertainment.

Though hanggang ngayon, nagho-hold-on pa rin ang mga fan ng IZ*ONE na mabuo pa rin sila bilang grupo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.