Abante Tonite Interactive

Kwon Sang Woo bumili ng bagong building worth 28 billion won

5,010

TIYAK na mapapa-wow ang karamihan, lalo na ang matagal nang tagahanga ng isa sa mga unang Korean actor na inidolo sa bansa na si Kwon Sang Woo (“Stairway to Hea­ven”) dahil sa yaman nito.

Base sa lumabas na artikulo sa soompi.com, ayon sa real estate industry, noong May 16 daw ay bumili ng panibagong building ang actor na nagkakahalaga ng 28 billion won o $25 million sa pamamagitan ng kanyang kompanya, ang KGB Film kunsaan siya ang President.

Balita rin na noong June 29, na-settle na niya ang balanse. The building is located in the Deungchon neighborhood in Seoul at isa sa magandang location kunsaan, five minute walk from Jeungmi station, a stop on Line 9 of the Seoul subway system.

Si Kwon Sang Woo ay ikinasal noong 2008 kay San Tae Young at simula nga noon ay naging aktibo na sa real estate. Noong 2013, nakabili ito ng building sa Bundang District na pina­ngalanan niyang ROOKI­EN1129 – kumbinasyon ng pangalan ng anak at ng birthday ng kanyang ina. Ang naturang building ay nagkakahalaga ng 23 billion won.

Noong 2014, isang shopping center building sa Cheongdam ang binili nito sa halagang 8 billion won na iniregalo niya sa kanyang misis.

Sinundan ito ng two-story factory sa Seongsu neighborhood sa halagang 8 billion won (approximately $7 million), which is now valued at 12 billion won (approximately $10.8 million). Balita rin na meron itong vacation penthouse sa halagang 1.7 billion won (approximately $1.5 million) sa Gold Coast Australia.

Sa bagong property ng actor, ang real estate investments daw nito ay tinatayang nasa 71 billion won ($63.7 million) na.

Si Kwon Sang Woo ay lumabas kamakailan lang sa “The Accidental Detective 2” with Sung Dong Il. Umabot ng 1 million moviegoers noong nakaraang buwan. Lumabas din siya sa KBS drama na “Queen of Mystery 2”, na nagtapos noong April 2.