Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kwon Sang Woo mas romantiko kay Rain

0 55

Nagpatalbugan ng kanilang “happy marriage life” ang longtime friends na sina Kwon Sang Woo at Rain.

Parehong mga kilalang leading men ang dalawa ng mga maituturing na rin na classic k-drama. Si Kwon Sang Woo sa “Stairway to Heaven” at si Rain naman sa “Full House”.

Si Kwon Sang Woo ay 12 years nang kasal kay Son Tae-young. Si Rain naman ay tatlong taon na ang wedding kay Kim Tae Hee. Tulad ni Kwon Sang-Woo, dalawa na rin ang anak nina Rain at Tae Hee.

Nag-reunite ang magkaibigan sa latest episode ng web variety show na “Season B Season” at dito nila napagkuwentuhan ang kanilang marriage life.

Ipinagmalaki ni Rain na silang dalawa raw ay butihing mister ng kanilang mga misis. Aniya, “Honestly, there isn’t anyone as family-oriented and good as the two of us. Think about it. We eat breakfast, then work out. We eat lunch, then work out. We eat dinner, then work out.”

Sinegundahan ito ni Sang-woo sa pagsasabing, “My wife really likes it when I tell her that I’m going to work out, then just go into the room next door. Because I don’t even leave our home.”

SM food to go Banner Ad

At sabi ni Sang-woo, kahit daw 12 taon na silang kasal, para pa rin daw silang nasa dating stage. Hindi naman nagpatalbog si Rain sa pagsasabing sila ni Tae-hee, na araw-araw raw, bago sila umalis ng bahay sa umaga at sa gabi, nagki-kiss silang talaga.

Pero hiniritan ito ni Sang-woo na, “Isn’t kissing something you should do day and night, no matter what time it is, without a fixed schedule? What is this, the EBS channel [South Korea’s educational television network]? Do you only kiss in the morning and the evening?”

Nag-give in na rin si Rain. Tila inaming lamang nga sa kanya ang kaibigang si Sang-woo sa pagiging romantic nito sa misis nang ikuwento kung ano ang ginawa niya nang mag-celebrate sila ng 12th wedding anniversary noong September.

Sabi na lang ni Rain, “Wow, you’re a totally lovebird!”

Sey kasi ni Sang-woo: “I rented out a jazz bar and hired a band and I serenaded her with a song.”

Walang-duda na parehong mga romantic leading men in dram and in real-life ang dalawang sikat na Korean stars.

Leave A Reply

Your email address will not be published.