Abante Tonite
Mabilis sa Balita

KyGuel trending

0 329

NI:ROLDAN CASTRO

Mainit ang naging pagtanggap ng mga netizen at viewers sa episode ng hit drama series na ‘I Can See You: #Future’ na magtatapos sa April 9.

SM food to go Banner Ad

Pasok sa trending list sa Philippines ang show ng KyGuel. Nag-number 1 pa nga ang hashtag na #ICSYFuture. Aprubado rin sa mga netizen at viewers ang mahusay na performance ng mga bida pati na rin ang naiibang kwento ng #Future na pinaghalong romance at sci-fi.

Tampok dito ang Kapuso stars na sina Miguel Tanfelix at Kyline Alcantara. Kwento ito ng social media addict at segment producer na si Vinchie (Miguel) na magkakaroon ng kakayahang makita ang hinaharap sa pamamagitan ng CCTV footage. Dahil sa bagong kapangyarihan ay maililigtas niya sa kapahamakan ang misteryosong babae na si Lara (Kyline).

Leave A Reply

Your email address will not be published.