Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kyle, Francine mahirap buwagin

0 311

NI: VINIA VIVAR

Kinilig ang mga fan nina Kyle Echarri and Francine Diaz (KyleCine) nang mapanood nilang magkasama ang dalawa sa latest YouTube vlog ng young actor.

Sa nasabing vlog ay sinagot nila ang tanong ng mga fan at isa sa natanong kay Kyle ay kung gaano niya kamahal si Francine.

“Oh, so you chose the juiciest question you could choose. Well, siyempre ngayon, as a friend,” sagot ni Kyle.

Pero special daw si Francine for him dahil sinasabi raw niya sa ka-loveteam ang mga bagay na hindi niya sinasabi sa iba.

“She knows a lot about me that I haven’t really told any other person,” sey ni Kyle.
Tila nagulat naman si Francine at sambit niya, “talaga?”

SM food to go Banner Ad

Sagot ni Kyle, “Yeah. I mean Darren knows everything about me, but like Jayda knows everything about you, ‘di ba? Kinda like that.”

Sabi naman ni Francine, “alam mo, kayo ni Darren iisang tao lang kayo, like promise. Tapos kami ni Jayda iisang tao lang kami. May mga na-didiscover kami sa isa’t-isa na ‘Ganyan din ako eh.”

Maya-maya ay inulit ni Kyle kung gaano ka-special si Francine sa kanya.
“Basta sobrang halaga niya bilang kaibigan sa akin,” he said.

At sey ni Francine, ganu’n din naman siya kay Kyle.

“Kasi may mga pagkakataon na hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung wala akong kaibigan kagaya niya. In short, hindi ko alam kung paano ako dati kung wala siya,” saad ni Francine.

“Yeah same. ‘Cause there’s only a few people that you will meet that can change your life and Francine is one of those people,” sabi naman ni Kyle.

Leave A Reply

Your email address will not be published.