Abante Tonite Interactive

Kyle Lucasan ‘di bitter sa ‘StarStruck’

380

tonite-this-is-it-roldan-castroMarami ang nanghihinayang kay Kyle Lucasan na ‘di pumasok sa Final 14 ng “StarStruck”. Pambato ng mga morena beauty, magaling sumayaw, kakaiba sa mga hopefuls ng nasabing rea-lity artista search program.

Bagama’t nabigyan siya ng second chance, bigo pa rin na mapili ng council na makipaglaban sa Final 14.

Pero nagpapasalamat pa rin si Kyle sa naturang programa.

Abante Hiring – IT dep

“Maraming maraming salamat @starstruckgma for giving me that 2nd chance. Hindi lahat nabibigyan ng ganyang klaseng opportunity. I am, once again, feeling so grateful for that chance. I know i did my best, maybe even more. And I do hope that I was able to put up a good fight.

“Sa mga taong walang sawang sumusuporta, maraming maraming salamat po! Pasensya na di na naman tayo umabot pero sana po samahan niyo pa rin po ako sa pagpatuloy ko sa pangarap ko.

“To @crystalparas and my partner @radsonflores, proud of you both! Super proud kaming apat sainyo nila janelle, mark and maynard. You guys deserve it. Keep on shining you guys! Tho our time together fighting was a bit short, I know that bond will last.”

Hindi bitter si Kyle sa naging resulta. Palaging positibo ang pananaw niya.
Hindi mapapasubalian na paborito ng publiko si Kyle.

Napanood namin ang acting challenge ng ‘Second Chance Takers’ ng “StarStruck.” Ramdam namin na may future si Kyle sa showbiz lalo’t nandiyan ang suporta ng 3:16 Events & Talent Management ni Ma’am Len Carillo. Mahusay siya bilang baguhan. Nararamdaman ang hugot at emosyon niya sa pag-arte.

Puwede rin siyang gawing bagong Rochelle Pangilinan ng Kapuso network dahil mahusay itong sumayaw.

Kahit ang basher ni Senator Nancy Binay ay bet si Kyle.

“Go Kyle Lucasan! Itayo mo ang bandera ng mga Morenang Pinay! Basta morena talaga malapit sa puso ko no? Bakit kaya BFF Nancy?”
Nababasa rin namin ang reaction ng mga netizen.

“Ang galing ni Kyle. im sure she will be a big star someday.”
“Marami pang dadating na chance kyle Lucasan pana panahon lng talaga yan kitang kita naman na nagbigay ka ng magandang laban.dadating din ang para sayo.”

“You have way more to go pangga. Its not the end of it nag uumpisa palang kaya tuloy ang laban kahit saan ka dalhin ng kapalaran. Tibay ng loob malakas kapit sa Dios at tiwala sa sarili malayo mararating mo tulad ng iyong ina Nylinaj Ollirrac. Goodluck anak marami nag mamahal sayo.”
Boom!

Karl Aquino naka-survive

Tuloy pa rin ang laban ng Clique V member na si Karl Aquino sa “StarStruck.”

Malaki ang pasasalamat niya sa lahat ng sumuporta sa kanya. Naka-survive siya last week.

Sa text, just type STARSTRUCK (space) KARL send to 4627 (you can do it 5x a day per sim) and sa online voting naman, www.GMAnetwork.com/STARSTRUCKVOTE then click “Karl”.