Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kyle wasak ang puso sa utol na may brain tumor

0 78

NI: VINIA VIVAR

Nakakaiyak ang madamdaming post ni Kyle Echarri tungkol sa kanyang 11-year-old sister na si Bella.

Ipinagtapat ni Kyle na na-diagnose ng brain tumor ang kanyang pinakamamahal na kapatid last month at inilihim daw sa kanya dahil ayaw nito na mag-worry siya.

“My baby sister Bella has been my world since the day she was born. Just yesterday I was told by my family that my little girl was diagnosed with a brain tumor on May 2nd and she wanted to hide it from me because she said she didn’t want me to get stressed while I was working,” pagbabahagi ni Kyle.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“To say it hurts is an understatement… I love this girl 10x more than I love myself,” patuloy niya.

Ayon sa young actor ay natapos na raw ng kanyang kapatid ang radiation treatment at nakiusap sa kanyang fans and followers na isama ito sa kanilang mga dasal.

“She has finished her radiation treatment and now I’m asking for everyone’s prayers for my baby sister. She’s the most beautiful, smart,and amazing little kid that I will love forever. We have all high hopes and I’m hoping everyone can help pray for complete healing for my little girl,” ani Kyle.

Kalakip ng post ni Kyle ay ang mga larawan nila ni Bella na magkasama at makikita rito kung gaano talaga sila ka-close na magkapatid.

Leave A Reply

Your email address will not be published.