Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kylie, Aljur balikan inurirat ni Robin

0 230

Very heartwarming and at the same time ay nakakatuwang panoorin ang latest vlog ni Kylie Padilla titled “The Conversation I Never Had with My Papa”. Nagkaroon sila ng heart-to-heart talk ng amang si Robin Padilla.

Maraming napag-usapan ang mag-ama kabilang na rito ang mga memories nila noong bata pa si Kylie .Karamihan nga dito ay ngayon lang nalaman ng manonood.

Sa nasabing vlog ay si Kylie ang nagtatanong kay Binoe pero sa huli ay binigyan niya naman ng pagkakataon ang ama niya na magtanong ng isang tanong sa kanya.

“Okey na kayo?” ang tanong ni Binoe na ang ibig sabihin ay ang relasyon nina Kylie at asawang si Aljur Abrenica.
“Okay na kami. Thank God,” sagot ni Kylie.

“Ayoko nang mag-ano, basta ang importante, okay kami sa mga bata,” aniya pa.

Tanong ni Binoe, “masakit pa ba?”

“To be honest Pa, ang mahirap lang talaga du’n sa nangyari sa amin is neverko nang mae-enjoy ‘yung pinapanood ko silang naglalaro. ‘Yun lang. Kasi, alam ko, nun’g dumating na talaga ‘yung time na hindi na siya (the relationship) nagwo-work.

Ayon pa sa aktres, gustong-gusto raw niyang pinapanood noon ang mag-aama niya na naglalaro.

“’Yun lang talaga ‘yung isang bagay na nagtatanong ako, ‘tama ba ‘to o hindi?’ Pero kung titingnan ko as a whole, mas maganda ‘yung nangyari ngayon kasi hindi na kami toxic.

“Mahapdi sa aking puso na hindi ko na ‘yun makikita, mae-enjoy, in that way na buo kami. Mas happy na ako ngayon. Realistically.

“Kasi after ng mga nangyari, hindi na ako makakabalik du’n, eh,” sabi ni Kylie sa kanyang ama.

“Saan?” tanong naman ni Binoe.

“Du’n sa kung paano ako before. Masyado nang maraming nangyari,” sabi ni Kylie.

“Ako naman yata ngayon ang malulungkot. So, wala na talagang pag-asa?” tanong ulit ni Binoe.

Sagot naman ni Kylie, “it’s best for what it is now. Kasi tinitingnan ko rin, in the future, maging friends kami talaga. Ngayon kasi, siyempre, after ng nangyari, we’re friends. Pero there’s a distance. Dumidistansiya na ako kasi syempre, nagulat ako, eh. Pero bilang nanay nga ng mga anak ko, I have to be civil, try to be the better person, mas mature na tao.

“Naging klaro lang kung nasaan ang priorities niya. So, it made it more clear to me. Pero bilang nanay din ng mga anak ko, Pa, masakit sa akin ‘yun na hindi ko na nga mae-experience ‘yun sa kanila.”

Ayon pa kay Kylie ay masaya rin siya na makitang okay naman ang relasyon ng kanyang dalawang anak sa ama ng mga ito.
“Kaya nga I have no shame in saying na ini-stalk ko pa rin kasi gusto kong makita na ‘Oh, okay masaya sila’ na buo pa rin yung relasyon nila bilang mag-tatay so happy na ako.

“Siyempre, on my side, may guilt, e, kasi sorry, yun lang,” she said.

“Pero ready na akong mag-move forward talaga,” pag-amin pa ni Kylie.

“Hanggang saan ba yung kaya ko bilang babae na mag-isa lang ako, ganun, so I’m okay.”

Tinanong ni Robin ang anak kung masaya ba ito at nakangiting sagot ni Kylie, “yes.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.