Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kylie aminadong baliw kay Aljur

0 1,732

Habang nagpro-promote si Kylie Padilla ng isang product line sa kanyang Instagram account, isang kate-katerang netizen ang deretsahang inokray ang aktres.

Sey ng netizen:”Para kang laging baliw sa mga post mo. Halatang nagpapapansin kay Aljur.”

Sa halip na ma-offend, game namang sinagot ni Kylie ang naturang basher.

“Baliw lang talaga ako. lol, “sagot ni Kylie.

Isa namang netizen na nagngangalang ri_ca21 ang hindi makapaniwalang papatulan ng aktres ang nabanggit na komento.

Ani ri_ca21:”@kylienicolepadilla, seriously? Pinapansin mo mga ganitong comment. “

Reply naman ni Kylie:”@ri_ca21,totoo naman kasi.”

Marami namang follower ng aktres ang nag-wish na sana ay umayos na ang pagsasama nila ng mister na minsang napabalitang nagkakalabuan.

@@@

Julia nakipag-bonding sa erpat ni Gerald

Sa latest entry sa kanyang vlog, ipinakita ni Gerald Anderson ang most recent adventure niya kasama ang kanyang girlfriend na si Julia Barretto.

Ito ay ang deep sea fishing sa karagatan ng Zambales kung saan nag-hire pa sila ng chartered yacht.

Bilang paghahanda, alas-tres pa lang ng umaga ay gising na ang dalawa kasama ang crew at iba pang fishing aficionados para hintayin ang pagsikat ng Haring Araw.

Sumailalim din sila sa briefing bago sila maglayag at mangisda sa karagatan.

Sa video, may isang miyembro nila ang nasuka dahil sa seasickness.

Kinabiliban naman ng mga netizen ang pagiging cowboy o one of the boys ni Julia na nag-iisang rosas sa grupo ng mga kalalakihan.

Ito rin ang nagsilbing photographer ng boyfie

sa kanyang fishing adventure.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Anila, good catch daw para kay Gerard si Julia dahil very supportive ito sa lahat ng endeavours ng aktor, bagay na hindi masasabi sa mga naging ex ng actor.

Naaliw rin ang mga netizen sa naging bonding ni Julia sa ama ni Gerald na kasama sa kanilang pangingisda.

Marami naman ang humanga kay Gerald nang makahuli ito ng malalaking isda na later ay ginawa nilang ulam.

@@@

KC bumuyangyang sa kama

Nagpainit si KC Concepcion sa mga netizen sa kanyang alluring Instagram post na nakahiga sa kama.

May caption itong “Pagsikat ng araw, paglipas ng gabi” na lyrics mula sa sikat na kanta ni Moira dela Torre.

Hindi naman napigilang magkomento ng kanyang followers sa kanyang mainit pa sa summer post.

Sey ni shobbyban: “Diyos me. me Kiti na. Ang init ng panahon, dinagdagan mo pa.”

Hirit naman ni valdezjuvs:”Ano ba yan. d kb mahihiya sa tatay mo nakabuyangyang.. ok lng sana kung nasa beach ka.”

harvardhopkinsmd:”Diosa ng kagandahan. No doubt. “

bkingmqueen:”Nagiging indecent na sometimes yung post mo na di mo kailangang gawin because you’re already beautiful.Be careful with what you post coz it affects your family. Kind of advice. “

liszelle18:”She’s ready for mature roles.”

recusi.lv.hpy:”Censored.”

engr.cutie:”Kamukha mo @jona. “

francescaatienza:”You must be really going thru depression.You have a beautiful face, why need to flaunt your breasts? For attention? How sad? “

Ipinagtanggol naman si KC ng karamihan niyang follower sa mga nalalaswaan sa kanyang post.

Anila, naiinggit lang daw ang mga ito sa alindog ng panganay ng megastar.

Leave A Reply

Your email address will not be published.