Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kylie amoy balikan kay Jake

0 140

NI: ROLDAN CASTRO

Tinanong namin ang isang malapit kay Jake Cuenca tungkol sa paghihiwalay nila ni Kylie Verzosa.

“Hindi ako nakikialam sa dalawa pero baka magulat tayo nagkabalikan na sila ,” tumatawa niyang pahayag.

Posible raw na mahilot at maayos pa ng dalawa ang kanilang relasyon dahil sa tagal din ng pinagsamahan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Feeling ko nandoon pa rin ang love nila sa isa’t isa,” hirit pa ng aming source.

Samantala, pinagdiwang ni Kylie ang 4 million followers niya sa Instagram. Bumaha naman ito ng pagbati .

Sa naturang post, binida rin niya sa isang video ang kanyang sexy body suot ang white 2-piece bikini at white shades.
Napapanood pa rin si Kylie sa pelikulang “Ikaw Ang Mahal” ng Vivamax. Kapartner niya si Zanjoe Marudo na super ganda ang shot sa nude scene nila sa taas ng bundok habang nakahiga.

Leave A Reply

Your email address will not be published.