Abante Tonite Interactive

Kylie at Derek panalo ang standing position

By
4,173

Ang Direk Ruel Ba­yani’s Kasal, walang halong charot at buong katapatan, punong-puno ang sinehan kung saan ginanap ang premiere nito. Hindi polite, kundi instantaneous, thunderous at warm ang applause na iginawad sa pelikula matapos na mag-roll na ang end credits rito.

Paakyat pa lang ang diva that you love sa aking de­signated seat, may unang sorpresa kaagad. From my right, isang matamis na “Hi, Alwin!” ang pagba­ting suma­lubong sa akin at kanino galing ‘yun? Ay sa pinakaguapong artista this side of the planet lang naman, si Ian Veneracion. Ang reaksyon kong “Hey!” pang-kolehiyala talaga at high pitched. Hahahaha. Sumuporta si Veneracion sa pelikula ni Bea Alonzo, bongga!

Ang anim na bonggang-bonggang artista na major, major na dahilan kung bakit dapat niyong panoorin ang Kasal ay sina Kylie Versoza. Bilang Eunice, ang ex ni Paulo Avelino bilang Philip, kabogera ang hitad. Panalo ang screen presence, ultra sosyalin, pati ang pag enunciate at pronunciate sa mga linya, altang-alta. Vixen with a capital V dito si Kylie at talagang super throw niya ang kanyang inhibitions sa wind, panalo ang delicious delight (love scene na standing position) nila ni Wado, ang katauhan ni Derek Ramsay.

Much appreciated ang pag-dre-dress down at super subdued ang styling ni Ms. Celeste Legaspi. Provincial middle class grandmother ni Lia, ang katauhan ni Bea. Sa kanya manggaling ang mga payo na kahit ikaw ay manonood lamang, tatamaan ka talaga.

Panalo rin ang katauhan ni Ricky Davao, bilang tatay ni Lia. Iba ang puso at kaluluwang ibinigay ni Davao sa kanyang makulay na katauhan. ‘Yung eksenang may puso sa pusong usapan na sila ni Bea, juice colored. Ang luha ko, talagang tumagaktak.

Derek Ramsay, as always, the camera loves him. Brusko, brown skin, mga tingin na tumatagos sa kanyang mga kaeksena and it helps na hot na hot rin siya. Mas gusto ko ang performance niya rito kesa dun sa pelikula kung saan tinanghal siyang pinakamahusay na aktor. Para siyang kontrabida rito na kawindang sa pagmamahal bordering almost sa obsesyon kaya may ginawa si Waldo na-windang. Hindi pwedeng itanggi na maayos niyang nabigyang buhay ang lalaking minsan ay minahal at sinamba ni Lia.

Pagkatapos kong mapanood ang Kasal, kumbinsido na ako ngayon na marunong umarte si Bea Alonzo. At hindi lang marunong, mahusay talaga. Given na ‘yung ang luha niya, in a snap, kaya niyang patuluin. Given na rin ‘yung she can deliver her kilometric lines with the needed emotions. Ang pinaka-appreciated ko sa lahat, ang kanyang mga quiet pero tagos sa pusong reactions at moments. Walang hysteria. Walang babang na­nginginig. Walang kilay na tumataas o nagsasalubong.

Pero sa mga mata at mukha niya, makikita at mararamdamam mo ang ligaya, ang pagtataka, pagkabalisa, takot, pagsusumamo, galit, ngitngit, grabeng pagmamahal, pagpapatawad at pagtanggap sa mga katotohanang pinagdaanan niya bilang Lia. Huwag niyo na lang akong tanungin kung kumbinsido na ba ako sa kanyang label na “movie queen”. Debatable pa rin ‘yan.

Oo, my dear Abante Tonite readers of being biased pero si Paulo Avelino, bilang Philip ay namumukod tangi.

After his performance sa I’m Drunk, I Love na universal ang snub na tinanggap mula sa mga award giving bodies, ewan ko na lang kung bilang si Philip, eh kaya pa nilang isnabin ang husay ni Avelino.

Grabe ang emotional commitment at honesty­ na binigay niya sa kanyang katauhan na hindi sigurado sa maraming bagay. Handsomely photographed si Paulo sa pelikula at pag nagsimulang mag-crack ang see­mingly perfect exterior niya, grabe. Bato na ang inyong mga puso kung hindi kayo tatablan sa mga eksena ni Paulo na ibinigay niya talaga ang puso. Playing for truth ba kaniyo, iyan ang ginawa ni Paulo Avelino to perfection sa Kasal.

Palabas na ang pelikula sa mga paborito niyong sinehan, nationwide. ‘Wag namang ­pulos Hollywood franchises ang panoorin. Let us give Kasal the love it deserves at sigurado akong hindi niyo pagsisisihan.