Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kylie ayaw mag-feeling anak ng senador

0 77

Aminado si Kylie Padilla na hindi niya inakala na magiging isang ganap na politiko ang kanyang ama since alam niyang maraming beses na itong tumanggi sa alok na pumasok sa politika.

Hanggang ngayon nga raw ay ayaw niyang ipasok sa isip niya na isa na siyang anak ng senador.

“Ayokong ipasok siya sa utak ko. Just to keep me grounded,” ani Kylie sa panayam ng 24 Oras.

“Siguro when I see my Dad, tapos makausap ko na siya, ‘yun, siguro du’n siya mag-sink-in pero ayoko talaga siyang (ipasok sa isip) ‘I’m a Senator’s daughter,’” patuloy ng panganay na anak ni Binoe.

Pero proud daw siya dahil mas marami pa raw matutulungan ang ama niya ngayong Senador na ito. Likas nga raw kasi sa ama ang pagiging matulungin kaya hindi na rin daw siya nagulat na nangunguna ito sa bilangan.

Aminado si Kylie na may takot at pag-aalala rin sa kanila ngayong magiging Senador na ang ama.

“May mga fears din kami, siyempre, politics ‘yan, eh. Kahit ano ang mangyari, may fears ka, magulo. Pero if I’m just thinking about what my Dad wants, his dreams, mga gusto niyang mangyari para sa mga tao, I’m happy for him and I’m proud of him,” sey ng aktres.

Leave A Reply

Your email address will not be published.