Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kylie bet pakasalan ng tibo

0 256

Ni:ARCHIE LIAO

Isa ang dating Ms. International na si Kylie Verzosa sa mga modelong rumampa sa bridal gown show ng kilalang designer na si Julianne Syjuco.

Katunayan, umani ng papuri ang beauty queen-actress dahil kering-keri niya ang magmodelo ng bridal gown .Kahit balot ay lutang na lutang ang kanyang kaseksihan.

Nagpasalamat din siya sa designer sa pagbibigay sa kanya ng opportunity na matupad ang isa sa mga pangarap niya: ang makarampa sa isang bridal show.

Nagbiro rin siya na kulang na lang ay ang groom para matupad na ang kanyang pantasyang kasal.

“Hot girl summer is getting married. Groom nalang po kulang po opo,” dugtong niya.> Sa kaugnay na post, hindi naman napigilan ni Kylie ang mag-senti.

Sa kanyang Instagram, may hugot siyang ikinaintriga ng ilang netizens.

Aniya: “Always the bridesmaid never the bride.”

Hirit tuloy ng ilang kibitzers, nagmamaktol daw kaya ang aktres dahil may naudlot sa mga plano niya sa buhay tulad ng pagpapakasal?

Humamig din ito ng iba’t-ibang reaksyon sa netizens.

“Always the bridal gown designer, never the bride. Haha! So relatable, babe. ILY!” sey naman ni Syjuco.

“You’re so pretty, but soon, for sure you’ll be the bride,” sey naman ng isang pinaghihinalaang tibo.

Dugtong pa nito, kapag daw siya ay pumunta sa Pinas ay pakakasalan niya ang aktres na ikinaloka ng ilang kibitzers.

“Kylie I love you. Don’t worry when I go there to Philippines I want to talk to your dad and mom to marry you because I love you. Kylie very much I’m sure when you’re together you enjoy yourself and happy forever because I love you. so much and I miss you Kylie now and forever,” dugtong pa nito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.