Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kylie binalaan kay Jake

0 61

NI: ARCHIE LIAO

Tameme si Kylie Verzosa sa kontrobersyang kinasasangkutan ng kanyang boyfriend na si Jake Cuenca. Nasangkot kamakailan ang aktor sa Mandaluyong car chase na may inosenteng delivery driver ang nadamay.

Sa naturang insidente, nagpaliwanag naman ang kanyang nobyong si Jake na kaya siya hindi huminto sa mga humahabol sa kanya ay dahil natakot siya para sa kanyang buhay. Hindi raw kasi naka-uniporme ang mga ito.

Sa Instagram account ni Kylie ay nag-post siya ng isang makulimlim na araw. Nagbabadya ng masamang panahon na may caption na : “Take care of your mind.”

Late post daw ito in celebration of the World Mental Health day.

Makahulugan din ang mensahe ng beauty queen sa kanyang post na : “Always remember that it’s okay to ask for help, things could always be scary at first, but asking for help is already a sign of strength. Personally, I still battle negative thoughts everyday, but I constantly remind myself to shift to a gratitude mindset. Remember that we will always be a work in progress and we will always be enough.”

Dahil dito, ilan naman sa mahaderang netizen na inili-link ang kanyang post sa car chase incident recently ng kanyang boyfie.

Ito ang ilan sa kanilang komento.

“Para kay Jake Cuenca dai”

“Kamusta si Jake?”

“Para sa dyowa nia bai to”

“Check out JC, he’s going through, help him.”

May ilan namang kibitzers na binabalaan si Kylie kay Jake dahil sa signos umano nito pagdating sa kalsada.

Matatandaan kasing noong 2017 ay naaksidente naman ang aktor nang mabangga ang kanyang bike ng isang malaking truck.

Ito’y habang nagti-training siya para sa Iron Man malapit sa MOA grounds.

Leave A Reply

Your email address will not be published.