Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kylie bumigay kay Zanjoe

0 146

Ni: ROLDAN CASTRO

Maituturing na ‘next chapter’ ng career ni Kylie Verzosa ang makatambal si Zanjoe Marudo. Level up ang estado ng pagiging aktres niya sa pelikulang ‘Ikaw Lang Ang Mahal’. Aariba dito ang tinaguriang Vivamax Goddess na katilam-tilam ang mga larawan sa iG account ni Boom Sason. Suot niya ang swimwear na gawa ng nasabing designer.

Anyway, kuwento ni Andrei (Zanjoe Marudo), isang filmmaker na nagpunta sa Sagada para hanapin at ma-interview ang tatlong national artists para sa ginagawa niyang documentary. Makikisalamuha si Andrei sa mga lokal ng Sagada, at makakapalagayan pa ng loob ang iba.

Dito rin niya makikilala si Lira (Kylie), isang best-selling author, na pamangkin pala ng isa sa mga artists na hinahanap ni Andrei. Magiging malapit sila sa isa’t isa dahil magpapatulong si Andrei kay Lira na makilala ang tiyuhin nitong legendary artist. Unti-unting mahuhulog ang loob ni Andrei kay Lira at mas mababaling ang atensyon niya sa dalaga kesa sa documentary na ginagawa niya.

Bibigay rin si Kylie kay Zanjoe.

Kinunan sa Sagada ang naturang pelikula.Mai-inlove ka hindi lang sa mga karakter at kwento, kundi pati na rin sa nakakabighaning ganda ng tanawin ng location.

Makakasama rin nila sa pelikula ang mga seasoned actors na sina Joel Torre, Lara Morena at Ronnie Lazaro.
Malaking break din ito sa Vivamax sexy actress na si Cara Gonzales.

Ang pelikulang ito ay mula sa multi-awarded director na si Richard Somes., Mapapanood na sa Vivamax simula May 20, 2022.

Leave A Reply

Your email address will not be published.