Abante Tonite Interactive

Kylie buntis sa second baby?

0 438

Dati ay blind item lang pero ngayon ay pinangalanan na si Kylie Padilla na buntis umano sa kanyang second baby.

Wala pang kumpirmasyon na nanggagaling sa kanya at sa asawa niyang si Aljur Abrenica.

Pero tila nawawala sa sirkulasyon ang aktres pagkatapos ng serye niyang “Toda One I love” sa GMA-7.

How true na manganganak daw si Kylie sa Nobyembre?

Pinagdududahan din ng ilang netizen na may laman umano ang tiyan ni Kylie base na rin sa mga picture na lumalabas sa kanyang IG account.
Boom!

Camille Prats nanganak na

Nagsilang si Camille Prats ng baby boy.

Makikita sa kanyang Instagram account ang larawan ng kanyang baby.
Ang caption ng host ng “Mars Pa More” ay “Hello world [blue heart emoji] meet Nolan Cristiano Prats Yambao, born on July 10,2019 at 7:27am weighing 7.5 lbs.”

Pangalawang anak ni Camille si Nolan sa asawa niyang si VJ Yambao.
Panganay niyang anak si Nathan sa una niyang mister na si Anthony Linsangan na yumao na.

Eugene binago ang kasaysayan ni Josephine Bracken

Pagkatapos paglaruan ang indie films at Pinoy rom-com, nagbabalik ang “Ang Babae sa Septic Tank” para magpatawa at kutyain ang paggawa ng isang historical biopic na muling pagbibidahan ni Eugene Domingo bilang isang bilib na bilib sa sarili at mapagmataas na bersyon ng sarili niya.

Mapapanood na ngayong Hulyo 17 sa iWant ang “Ang Babae sa Septic Tank: The Real Untold Story of Josephine Bracken,” ang ikatlong edisyon sa sikat na “Septic Tank” series na isinulat ni Chris Martinez at idinirek ni Marlon Rivera.

Sa bagong seven-episode na “Septic Tank” series, papatunayan ni Eugene na kaya niyang magdirek, bumida, at magprodyus ng una niyang pelikula tungkol kay Josephine Bracken, isang mestiza at ang huling kasintahan ni Jose Rizal.

Para naman patotohanan o pabulaanan ang mga detalye sa pelikula, tampok din sa “Septic Tank 3” ang kilalang historian na si Ambeth Ocampo para ibahagi ang mga totoong kuwento tungkol sa mahahalagang karakter na ito sa kasaysayan.

“Sa panahon ng pandaraya, fake news, at pagbabago ng kasaysayan ngayon, ‘Ang Babae Sa Septic Tank 3: The Real Untold Story of Josephine Bracken’ ang pinakanakakatawa, pinakamahalaga, at pinakanakakatuwang series na mapapanood niyo sa iWant at kahit saan pa,” ayon kay Martinez.

Ang “Ang Babae sa Septic Tank 3” ay ipinrodus ng Quantum Films at Dreamscape Digital.

Abangan ang pitong episodes nito simula Hulyo 17 sa iWant app o sa iwant.ph.