Abante Tonite Interactive

Kylie-Drake may relasyon

0 131

Hinihinalang may relasyon si Kylie Jenner sa rapper na si Drake. Kamakailan kasi ay naintriga sila sa ika-33 kaarawan ng rapper. Namataan silang sweet na sweet.

Pero ayon sa source ng TMZ, matagal na umanong magkaibigan sina Kylie at Drake. Kahit kaaway pa nito ang kanyang bayaw na si Kanye West.

Wala rin umanong dini-date si Kylie at wala pang balak pumasok sa relasyon simula nang maghiwalay sila ni Travis Scott. Sa ngayon ay abala siya sa pagiging ina ng anak nila na si Baby Stormi.

Hiwalay man sila ni Travis ay madalas pa rin silang nagkakasama para sa anak. (Ronaline Avecilla)