Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kylie game sa pomyangan

0 103

NI: ARCHIE LIAO

Ayon sa Ms. International na si Kylie Verzosa, flattered siya kapag napapansin ng mga netizen ang kanyang kaseksihan.

Katunayan, may mga nababasa raw siya sa kanyang feed na wish nilang mapanood sa lesbian role ang beauty queen turned actress.

Para naman kay Kylie, willing daw siyang mag-portray ng lesbian role as long na gusto niya ang materyal, ang director ang mga makakasamang cast members.

Tungkol naman sa choice ng magiging leading lady niya sa isang LGBTQ movie, ipinauubaya na raw niya ito sa producer pero bet niyang pabinyag sa beteranong co-actress.

Related Posts

Dagdag pa niya, staunch ally din daw siya ng LGBTQA community at naniniwala sila na sa digital age ay may mga kuwento silang worth sharing.

Love din daw niya ang gays dahil halos lumaki na siya sa piling ng mga ito lalo’t galing siya sa beauty pageants.

Bilib din siya raw siya sa creativity ng gay people. Marami raw silang aspirations at dreams na pinagsisikapan nilang ma-achieve sa buhay gaya niya.

Kung sakali naman daw may karelasyon siyang maga-out, wala raw siya sa posisyong mag-pass agad ng judgment.

Si Kylie ay kasama sa cast ng Bekis on the Run na idinirehe ng award-winning director na si Joel Lamangan .Ang pinakaaabangang drama-comedy ay mapapanood na sa Vivamax simula sa Setyembre 17.

Leave A Reply

Your email address will not be published.