Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kylie ginamot ng hayop

0 112

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Kylie Padilla ang kanyang naging karanasan kamakailan sa set ng kanilang serye.

Inatake ang anxiety attack ang aktres kaya naman marami ang nabahala sa kanyang kalagayan.

Sa post niya, makikita siyang nakahiga sa sahig kasama ang isang aso.

“I had another anxiety attack on set the other day, so grateful that everyone on set takes good care of me. Thank you guys. You know who you are,” ani Kylie.

Nagpapasalamat naman siya dahil sa tulong ng mga taong mabilis na rumesponde sa kanyang situwasyon.

Ibinahagi rin niya kung paano niya na-overcome ang kanyang anxiety attack sa tulong ng isang aso.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Little Nami came up to me and gave me a cuddle, I think naramdaman nya di ako ok. We cuddled for a bit. Humiga na ako sa tabi nya. I needed this moment. In love na talaga sa aso na to. Canine therapy is real,”sey niya.

Ang canine o animal o pet therapy ay ang paggamit ng mga alagang hayop para matulungang makapag-cope ang isang tao sa kanyang nararanasang physical o mental health conditions.

Umani naman ito ng komento sa kanyang mga kapwa Kapuso celebrities.

Ani Carla: Thank God production is ready to catch you. 🙏🏻 And yes, Canine Therapy is real. ❤️

Reaksyon ni Max Collins: ♥️♥️♥️♥️

Hirit ni Chynna Ortaleza: So happy to hear that production is hugging you through this.. ❤️ ( Archie Lioo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.