Abante Tonite Interactive

Kylie huhubaran ni Robin

By
11,160

Hindi natuloy ang pagsasama nina Robin Padilla at Arci Muñoz sa isang sexy drama movie na inspired ng Fifty Shades of Gray dahil nagkaroon ng conflict sa schedule ni Binoe.

Ayon kay Robin kaya hindi natuloy ang pagtatambal nila ni Arci dahil inumpisahan na ang taping niya para sa teleserye ng ABS-CBN.

“May ganyan konsepto nga (Fifty Shades of Gray) hindi lang namin nagawa last year. Natabunan, bigla kasi ako tinawagan ng ABS-CBN. Hindi ko alam kung itutuloy pa ng Viva,” say ni Robin na kung natuloy ay first time siyang sasabak sa isang sexy drama movie.

Tapos na ang kontrata ni Arci sa Viva kaya posibleng hindi na matuloy pagtatambal.

Maaari pa rin matuloy ang project at ang puwedeng ipalit kay Arci ay si Kylie Verzosa na contract star na ngayon ng Viva Films.

Hindi nga ba may tsika nu’ng pumirma ng kontrata si  Kylie sa Viva na  huhubaran nila ito para sa isang magandang project?

‘Pag natuloy ang pagtatambal nila ni Binoe, siya na ba ang unang magpapahubad sa beauty queen?