Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kylie inosente sa ‘pompyangan’

0 102

NI: ARCHIE LIAO

Sumalang sa PayTalk challenge ang beauty queen turned actress na si Kylie Verzosa sa The Boy Abunda Talk Channel.

May choice siyang sagutin o hindi ang mga tanong na ipupukol sa kanya ng King of Talk.

Kung sakaling mag-pass siya, kailangan niyang mag-donate ng pera sa Make Your Nanay Proud Foundation ni Kuya Boy.

SM food to go Banner Ad

Sa question kung na-in love na raw ba siya o nagka-atraksyon sa kapuwa babae, ani Kylie, never pa raw itong nangyari sa kanya. Kumbaga, inosente pa rin siya sa ‘pompyangan’.

Sa tanong naman, kung pagkakataon ba na sumagi sa isip niya noon na ipagpalit ang Bb. Pilipinas International crown niya sa Bb.Pilipinas Universe title? Hindi naman niya ikinaila na naisip niya iyon dati.

Pero ngayon daw, kuntento na siya sa kanyang korona lalo pa’t wagi naman siyang Ms.International noong 2016 sa Japan.

Sa pang-uurirat naman ni Tito Boy, kung feeling ba niya ay mas deserving siya kay Maxine Medina na koronahang Bb.Pilipinas Universe 2016 noong pageant night? Pinili na lang ni Kylie na mag-donate at huwag sagutin ang tanong ng celebrity talk show host.

Leave A Reply

Your email address will not be published.