Abante Tonite Interactive

Kylie Jenner pinakabata sa Forbes rich list

319

Itinanghal si Kylie Jenner bilang ‘youngest’­ self-made billionaire sa pinakahuling talaan ng ma­yayaman ng Forbes magazine.

Lumitaw sa 2019 World’s Billionaires list ng Forbes na ang nasa­bing 21-anyos pa lamang na Ame­rican socialite ay mayroong kabuuang net worth na $1 billion (P50 bilyon).

Si Jenner na pinakabatang mi­yembro ng pamilya Kardashian ang nagtatag at may-ari ng Kylie Cosmetics, na kumita umano ng $360 milyon noong nakalipas na taon.

“I didn’t expect anything. I did not foresee the future. But [the recognition] feels really good. That’s a nice pat on the back,” paglalahad ng American socialite.

Dahil sa pagkaka­tala ni Jenner bilang youngest billionaire sa edad na 21 ay naungusan nito ang Facebook founder na si Mark Zuckerberg na naging bilyonaryo sa edad na 23.

Na-maintain naman ng founder ng Amazon na si Jeff Bezos ang record bilang pinakamayamang tao sa buong mundo dahil sa ari-arian nitong umaabot sa $131 bil­yon o kabuuang P6 trilyon.

Natapyasan naman ng $8.7 bil­yon at nasa $62 bilyon na lamang ang kabuuang yaman ni Zuckerberg.