Abante Tonite Interactive

Kylie Jenner walang saplot sa men’s mag

0 517

Game na game ang bilyonaryong makeup mogul na si Kylie Jenner na maghubad para sa photoshoot ng isang men’s magazine. Kasama niya sa latest magazine issue ang boyfriend at ama ng anak niya na si Travis Scott.

Ibinahagi ni Kylie Jenner ang sneak peek photo para sa Playboy magazine sa kanyang Instagram, nitong September 10.

Walang kasaplot-saplot na nakayakap si Kylie sa topless na boyfriend. Kitang-kita sa larawang ibinahagi niya ang kanyang malusog na puwitan.

“When Houston meets LA,” caption niya sa IG post na may hashtag pa na “ComingSoon”.

Ayon sa Playboy, ang daring at sexy photo ng mag-dyowa ay kabilang sa “The Pleasure Issue”. Ito ay ang pagdiriwang sa mga bagay na nagbibigay ng kasiyahan katulad ng sex, art, food, music at marami pang iba.

Bukod pa dito, si Travis ay nagsilbing creative director para sa cover shoot. (Ronaline Avecilla)