Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kylie kakasa na sa sexy film

0 84

Buong ningning na sinabi ni Kylie Verzosa na hindi siya maghuhubad sa sexy-thriller movie niya na Housemaid.

May mga love scene siya pero wala raw hubaran sa parte niya.Basta challenging sa kanya ang pagbibidahan niyang pelikula.

Ang Housemaid ay isang Korean movie na ni-remake nu’ng 2010. Isa itong melodramatic sexy thriller film na idinerek ni Im Sang-soo.

Magkakaroon ngayon ng Pinoy version na ididirek ni Roman Perez, Jr.

Tampok din sina Louise delos Reyes, Jaclyn Jose, Alma Moreno, Jobelyn Manuel at Albert Martinez.

Na-experience na ni Kylie ang lock-in shooting kaya ang siguradong bibitbitin daw niya ay rice cooker at microwave oven. Hindi raw kasi siya nakakain pag hindi mainit ang pagkain.

Sey naman ni Jaclyn sa storycon, makiki-init na rin daw siya kay Kylie.

Talbog!

Leave A Reply

Your email address will not be published.