Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kylie kinilatis si Robin bago iboto

0 44

NI: VINIA VIVAR

Ibinahagi ni Kylie Padilla na hindi raw siya naging biased sa pagboto sa kanyang amang si Robin Padilla bilang Senador. Nag-research daw siya talaga at pinanood niya ang mga interviews nito as if hindi niya ito tatay.

“I approached this like you were not my dad. I did my homework. I did my research. I did not want to be biased. I watched all the interviews and inintindi ko lahat ng sinabi mo.

“And all i can say is I cannot wait for you to make your dreams a reality. I support you with all my heart. You have always been passionate about helping people and now you are in a position where you can make a bigger impact. I’m so happy and proud of you,” ang pahayag ni Kylie sa kanyang Instagram.

Pero bilang anak, alam daw niya na mahal ng kanyang ama ang ating bansa at ang mga kababayan.

“But If I was to speak as his daughter all I have to say is mahal na mahal ng tatay ko ang Pilipinas, mahal nya ang mga tao. Parte ng pagkatao nyang tumulong. He has always been selfless pag dating sa mga taong nangangailangan,” sey pa ni Kylie.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pagmamalaki pa ng aktres, “if there is one thing I can attest to, my father did not need to become senator to help make change happen. He was already doing that before all of this.”

Pangako ni Kylie na lagi siyang nandito para suportahan at mahalin ang ama.

“Kaya whatever happens after today, however busy you become please know that I love you and support you. Congratulations @robinhoodpadilla,” pagtatapos ng aktres.

Samantala, nagpa-abot din ng kanyang pagbati kay Binoe ang ex-wife niyang si Liezel Sicangco.

“To the father of my children, Congratulations!!! May Allah always protect you and your team. Ameen,” ang post ni Liezel sa kanyang IG.

Leave A Reply

Your email address will not be published.