Abante Tonite Interactive

Kylie mala-energy drink

0 362

Nagiging normal na lang kay Kylie Verzosa ang paghuhubad sa social media o sa mata ng madlang Pinoy.

Malaking impluwensya ang kanyang boyfriend na si Jake Cuenca para tanggalin nito ang hiya sa kanyang katawan.

Paano mo ba namang iiwan ang isang tila masarap na putaheng gaya ni Kylie? Ang tamis niya ay binabalik-balikan.

Balita namin, maganda ang flow ng relasyon nila ni Jake kumpara sa mga nauna niyang kasintahan na punum-puno umano ng problema at stress.

Si Kylie ang maituturing na “energy pill” ni Jake.

Makita lang ang kaseksihan ng nobya, kahit anong puyat at pagod nito, mabubuhay ang kanyang dugo, mula ulo hanggang ulo. Daig pa niya ang nakainom ng energy drink! (Rey Pumaloy)