Abante Tonite Interactive

Kylie at Mariel nagkabugan sa aktingan

By
12

Ang isa pang MMFF 2017 entry naman na Ang Panday na pinagbibidahan ni Coco Martin at natapos na raw noong October 25 pa. Sabi ng isang kasama sa production, sa Batangas daw sila nag-last shooting day.

Na-extend pa nga raw ng isang linggo ang shooting nila dahil may mga delay raw sila katulad ng pagkakasakit ng isa sa major cast nila.

Akala namin noong una ay may mga kasosyo si Coco sa pagpoprodyus ng Ang Panday, pero wala raw. Solo production daw ni Coco ang nasabing pelikula.

Sa tanong naman namin kung nakaarte ba sina Mariel de Leon at Kylie Verzosa sa Ang Panday, oo ang sagot ng kausap namin.

“May pinagmanahan naman si Mariel dahil magagaling na artista ang parents niya (Christopher de Leon at Sandy Andolong), kaya hindi naman nakakapagtaka na maga­ling talaga siya. Pero si Kylie, nagulat kami dahil magaling din siya,” sey ng kausap namin.

Si Coco raw na siya ring direktor ng pelikula ay humanga rin daw sa galing umarte ng dalawang beauty queens.

Star Cinema nabitin sa Vice, Pia, Daniel movie

LAST week pa napabalitang tapos na ang shooting ng Metro Manila Film Festival 2017 official entry na The Avengers movie nina Vice Ganda, Pia Wurtzbach, Karla Estrada at Daniel Padilla.

Pero isang involved sa production na ito ng Star Cinema/Viva Films ang nagkuwento sa amin kahapon na may additional shooting day sila ngayong araw na ito. All star cast daw ang shooting nila ngayon sa may Marikina.

Ang mga taga-Star Cinema raw ang nagpadagdag ng ilang mga eksena sa pelikulang ito ni Bb. Joyce Bernal.

Wala naman daw problema sa stars ng The Avengers ang additional shooting day dahil para naman daw ito sa ikagaganda ng kanilang MMFF 2017 entry.

In fairness, hilarious naman daw ang movie at huli na raw talaga ni Direk Joyce ang kiliti ni Vice.