Abante Tonite Interactive

Kylie-Maxine bati na

491

Sinagot na once and for all nina Kylie Verzosa at Maxine Medina ang pinag-uusapang isyu na dinuraan daw ng una ang huli sa isang eksena nila sa Kapamilya seryeng “Los Bastardos”.

Dahil sa insidente ay nagkaroon umano ng hidwaan ang dalawa, pero sa mediacon kahapon para sa nalalapit na pagtatapos ng “Los Bastardos” ay nilinaw ng dalawa na okey sila at hindi sila magkaaway.

“Guys, friends kami ni Maxine ngayon. Okey kami ngayon,” bulalas ni Kylie.

Paliwanag ng beauty queen-turned-actress, nagkaroon ng eksena ang karakter niyang si Dulce, na isa sa pinakamalalang kontrabida dahil baliw na raw ito at obsessed na.

Binaril niya raw si Isagani (Jake Cuenca), sinaktan si Lupita (Mica) at pati sarili ni Dulce ay binaril nito.

So, nagkaroon daw sila ng eksena ni Isay (Maxine) at dahil patapos na ang show ay sobrang heightened na raw ng emotions. Kagagaling niya lang sa barilan kay Isagani, nakaposas siya at may dalawang pulis na nakahawak sa kanya, so hindi raw maiiwasang may masaktang iba.

Right after naman ay nag-sorry raw si Kylie kay Maxine.

“Siguro po, nadala lang sa eksena. It was heightened emotion. Si Dulce po ako. Kaya ko nga po gusto si Dulce, kasi sobrang layo po niya sa sarili ko,” dayalog ng Miss International 2016.

Aniya pa, first show niya ever ang “Los Bastardos” at isang taon pa lang siyang umaakting. From bida ay naging kontrabida raw ang karakter niya, kaya sobra ang naging switch niya.

Akala niya ay mabait siya the whole time, pero naging kontrabida. As a first time actor ay nahirapan daw talaga si Kylie at sobrang na-challenge.

“Hindi naman po maiiwasan na minsan, may extra talaga (na nangyayari). May nasasaktan, may nasasampal. Ako nga po, ang dami kong pasa galing din sa eksena. So, ‘yun po.”

Totoo bang nagseselos na si Kylie dahil maraming kissing scenes sina Jake at Maxine sa kanilang serye?

“Kami naman din ni Jake, maraming kissing scenes. Ha! Ha! Ha!” tawa ni Maxine.

“Hindi po, hindi po talaga (ako nagseselos). Jake never gives me a reason. Sila pong dalawa, they never give me a reason to feel bad or to feel na mainggit po. Hindi po, friends po kaming tatlo.”

Umabot ng 4 days ang pagdura bago nag-sorry

Medyo naging awkward ang usapan nu’ng banggitin ni Maxine na nag-sorry sa kanya si Kylie after 4 days na nangyari ‘yung kontrobersyal na eksena nila.

“Siguro, lesson na rin ‘to na before natin gawin ‘yung eksena, let’s talk about it. Para if ever may mangyari na hindi kanais-nais, eh kaya nating mag-sorry right after,” bulalas ni Maxine.

Dagdag niya pa, sila ni Ritz Azul ay may sapakan dati sa “Ipaglaban Mo” na may sampalan at sabunutan, pero pinag-usapan daw nila ito bago nila ginawa.

So, ‘yung ginawa sa kanya ni Kylie ay hindi nila napag-usapang dalawa?

“Nagpaalam ako sa kanya (Kylie) ng sampal. Pero tapos na tayo. Nag-sorry na siya sa akin at nag-usap na kami. Okey na po ‘yon. Okey na po kami,” pakli ni Maxine.

Reaksyon ni Kylie, “Actually, akala ko nagbibiruan lang po kami. Kasi, nag-uusap na po kami, nagbibiruan na kami after.

“Pero ‘yun nga, dapat ‘yung ginawa namin, before the scene, dapat nag-usap kami. Siguro, ‘yun lang po ‘yung pagkukulang ko o pagkukulang namin. Sana po, napag-usapan namin.”

Bakit umabot ng 4 days bago siya nag-sorry?

“Ako, alam ko po, nag-sorry ako agad-agad. Tapos, nag-usap na kami on set. Normal na kami on set.

“Actually, nagulat po ako sa lumabas na isyung ito. Nasasaktan po ako na hindi ko po alam kung bakit ito nangyari.

“Sana man lang, kinonfront ako sa set if she (Maxine) was feeling bad, ‘di ba? Pero ‘yun nga lang po, hindi naman talaga maiiwasan na may masasaktan. Pero ang importante po ay okey na kami ngayon. Tapos, all apologies were accepted,” sambit ni Kylie.

Ani Maxine, okey na okey na raw sila at puwede raw silang magkatrabaho ulit ni Kylie.

Medina nag-sorry kay Verzosa

After ng Q&A sa mediacon ay sabay na nakausap ng press sina Kylie at Maxine. Anila, okey talaga sila, maingay lang daw sa social media.

“Alam mo, friends na talaga kami ni Maxine eversince Binibini. Guys, tama na,” dayalog ni Kylie.

“Oo, tama na. Kasi, hindi lang nakaka-affect sa amin as a person, naaapektuhan na rin ‘yung ibang artist (co-stars nila sa ‘Los Bastardos’).

“But I want to put an end to this. Ayoko nang lumala pa nang lumala. Kasi, we’re friends, eversince. Alam n’yo ‘yon?

“Parang simula lang nu’ng lumaki on social media, nagkaroon na ng gap. So, nag-uusap kami, ‘What happened?’ We’re good na, we’re good. Okey na,” pakli pa ng Bb. Pilipinas-Universe 2016.

Pumutok ang nasabing isyu nang mag-post ng ‘blind item’ sa Facebook ang pinsan ni Maxine at fiancée ni Rodjun Cruz na si Dianne Medina tungkol sa artistang nandura raw ng kapuwa nito artista, na may sundot ito na, “Girl, wag ang pamilya ko!”

Ani Maxine, very private siya na tao, masama lang ang loob niya that time at nasabi niya ito sa mom niya. Nagalit daw ang pamilya niya at hindi niya nakontrol ang mga ito.

Sinabihan na rin daw niya ang Ate Dianne niya. Mula bata raw kasi sila ay pinagtatanggol na nila ang isa’t isa ‘pag may naaagrabyado kaya gano’n.

“So, pasensiya na. Sorry,” sambit ni Maxine sa katabi niyang si Kylie.

“Actually, hindi po si Maxine ‘yung nakasakit sa akin. Siya (Dianne) po ‘yung nakasakit sa akin,” kaswal na pag-amin ni Kylie.

Nagkausap na ba sila ni Dianne?

“Hindi pa po. Hindi niya po ako kinakausap. So, ‘yun lang po.”

Hanggang next week na lang ang “Los Bastardos” sa Kapamilya Gold. Marami pa raw pasabog at kaabang-abang na kaganapan hanggang sa finale nito sa Septemb