Abante Tonite Interactive

Kylie misteryosa

996

Ang Diyosa ay mananatiling Diyosa. At ‘yan ay ang Ms. Internatio­nal na si Kylie Versoza na mapapanood sa pelikulang ‘Abay Babes’.

Madalang mag-post ng kanyang mga sexy photos si Kylie. ‘Pag napagtripang ipasilip ang kanyang alindog sa kanyang milyong followers sa buong mundo, para siyang araw na nagbibigay liwanag sa lahat.

Grabe ang kanyang kaseksihan. Kahit araw-araw mo siyang pagmasdan hindi ito pagsasawaan.

Merong kakaibang karisma si Kylie na wala ang ibang mga beauty queen.­ Wala rin sawang mag-post ng kanilang pigura.
Pero iba ang hatid ng kariktan ni Kylie. Iba ang pang-akit ng kanyang mga ngiti at tingin.

May kiliti sa laman ng mga barako ‘pag nakikita ang larawan niya na nakasuot ang swimsuit. Pumupulandit ang pawis sa buong katawan ng sinumang lala­keng magpapantasya sa alindog nito.

Mapang-akit, mysterious, sweet. ‘Yan ang ilan sa mga katangian ni Kylie na kinababaliwan ng lahat.

Parang isang immortal na binigyan lang ng buhay ang kagandahan at kaseksihan .

Ang alindog niya ay hinding-hindi maluluma sa kahit na anong panahon.