Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kylie nadonselya ni Albert

0 177

NI: ARCHIE LIAO

Para kay Kylie Verzosa, malaki ang adjustment na ginawa niya para bumagay siya sa role ni Daisy bilang katulong sa pelikulang The Housemaid.

Aniya, kinalimutan daw niya na beauty queen siya sa set para maging in character siya.

Malaking tulong din daw na winorkshop siya ng kanyang director na si Direk Roman Perez, Jr. sa kanyang karakter sa pelikula.

Nagpapasalamat din siya kay Albert Martinez dahil inalalayan siya sa kanyang mga sensitibong eksena.

Related Posts
SM SuperKidsDay Banner Ad

Nakabuti rin daw na bago nila kinunan ang bawat eksena ay ni-rehearse nila ang mga ito.

Tungkol naman sa daring at erotic scenes nila ni Albert, kahit daw ang unang nagbinyag o naka-donselya sa kanya sa pelikula, sobrang supportive raw nito sa kanya sa kanyang first movie as a solo lead.

Kabituin din sa pelikula sina Louise de los Reyes ,Jaclyn Jose, Alma Moreno, Jobelyn Manuel at ang child actress na si Elia Ilano.

Simula Setyembre 10, 2021, mapapanood na ang “The Housemaid” sa Vivamax. Magkakaroon din ito ng theatrical premiere sa UAE sa Setyembre 9.

Leave A Reply

Your email address will not be published.