Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Kylie nag-like sa photo nina Aljur, AJ

0 76

Ang daming nag-react sa pagla-like ni Kylie Padilla sa viral photos ng kanyang estranged husband kasama ang sexy star na si AJ Raval.

Actually, savage ang reaksyon ng mga netizen sa kumalat na photos ng actor na graduate sa Machete school of acting sa pictures nila ng Viva artist na magka-holding hands habang naglalakad sila sa isang mall.

Ang mga katkatera naman at pakialamera ay talagang na-shock sa reaksyon ni Kylie.

Does it mean daw na aprub sa kanya ang bagong nali-link sa kanyang mister kahit hindi pa naman sila legally separated.
Sa true lang, naiintindihan naman ng ilang mga netizen ang ginawa niyang pahayag sa kanyang Instagram account na hindi isyu sa kanya kung makipag-date ang bawat isa sa kanila sa iba.

Kumbaga, parang binibigyan na niya ng kalayaan ang kanyang ex.

Pero may mga mahaderang super sawsaw na nagtataka na tila ang bilis daw maka-move on ni gurl.

Nawewerduhan din sila na ni-like pa ni Kylie ang “getting to know” pakiyeme ni Aljur at ng co-star nito sa isang movie na kanilang pinagsamahan.

Nagpapakatotoo lang daw ba ang aktres o isang paraan ito para makuha ang simpatiya ng publiko.

On the other hand, ito rin kaya ang dahilan ng cryptic post ng dating PBB housemate at ex ni AJ sa kiyeme latik na ka-sweetan nina Aljur at ng bagong sex symbol.

Back to regular programming, makatulong kaya ito para pag-usapan naman ang seryeng may titulo at katunog ng isang pampalasa nina Kylie at Andrea Torres o maging bitter pill na maka-spoil sa kanilang bagong putahe.

Anne keri magpa-sexy uli

inamin ni Anne Curtis na nabago ang buhay niya mula nang magka-baby siya at mag-asawa.

At dahil daw lumaganap ang epidemya ng Covid-19 sa bansa, minabuti niyang sa Australia manganak at mamalagi muna kasama ang kanyang hubby na si Erwan Heussaff.

Kung dati raw kasi ay hindi siya home buddy dahil nasanay siya sa sunod-sunod na tapings, shootings at photoshoots, nabago raw ang lahat nang dumating sa buhay niya si Baby Dahlia Amelie.

Pati raw ang daily routine niya ay nagbago.

“I’m in bed at like nine or 10 p.m., which was unheard of before. Like at 9 p.m. I’m still on location, I’m shooting, or I’m on my way home… But now, I get up at 6 a.m. every morning when Dahlia wakes up. So now I’m an early bird. We have breakfast with Dahlia, and Erwan and I have coffee. And I’ll have time for meetings like this,” pagbabahagi niya.

Ngayong nasa bansa na rin siya, abala raw naman siya sa kanyang bagong role bilang mompreneur.

Kamakailan lang ay nag-celebrate ng kanyang 4th anniversary ang kanyang cosmetic business na BLK Cosmetics.

May bago naman siyang negosyo ang Recess, isang activewear line at Tili Dahli, isang baby clothing brand na itinayo niya kasama ang kanyang sister-in-law na si Solenn Heussaff.

Naging ‘hands on’ daw siya pag-aalaga ng kanyang dalawang ‘babies” na ito dahil siya ang nag-aasikaso hindi lang ng marketing, kundi pati na ng creative at logistics side ng mga ito.

Para sa kanya, isang learning experience si ang mapasabak sa ganitong klaseng mga negosyo.

Sa kabila raw ng role niya bilang mother, may mga bagay daw naman na hindi nagbago tulad ng pagmamahal niya sa pag-arte.

Pakiramdam niya, hindi rin maaapektuhan ng kanyang pagiging ina ang choice of roles niya.

Ibig sabihin, puwede pa ring siyang magpaseksi kung kinakailangan.

Bukod sa pagiging aktres, si Anne ay isa ring UNICEF ambassador.

Leave A Reply

Your email address will not be published.